IQNA

Sining ng Pagbigkas ng Qur’an/17 Abulainain Shuaisha; Isang Qari na may 'Boses na Bakal'

10:53 - December 29, 2022
News ID: 3004969
TEHRAN (IQNA) – Si Daubhasang Abulainain Shuaisha ay kilala bilang Sheikh ul-Qurra (pinuno ng mga qari) ng Ehipto. Siya ay isang maalamat na mambabasa ng Qur’an at ang huling kilalang tao mula sa 'gintong salinlahi' ng mga qari ng bansang Arabo.

Isinilang noong Agosto 22, 1922, ginugol ni Abulainain Shuaisha ang kanyang buhay sa pagsisikap na buhayin ang mga tunay na istilo ng pagbigkas. Siya ay inilarawan bilang isang makasaysayang tao sa pagbigkas ng Qur’an at ang may-ari ng isang 'boses na bakal'.

Sinimulan niya ang pagbigkas ng Qur’an sa batang edad at hindi nagtagal ay pumasok siya sa mga grupong Qur’aniko na dinaluhan ng kilalang mga qari. Itinuring ng ilan na siya ay isang hindi nauulit na tao sa larangan ng pagbigkas ng Qur’an.

Si Shuaisha ay may tunay na boses na inilarawan bilang isang "boses na bakal" dahil ito ay napakalakas at parang bakal at may umalingawngaw.

Maraming mga qari ang sumusubok na gayahin ang istilo ng pagbigkas ni Dalubhasang Shuaisha ngunit walang ganap na magagawa dahil kakaiba ang kanyang istilo at boses at napakahirap gayahin.

Siya, kasama si Abdul Basit Abdul Samad, ay isang kasama sa tagapagtatag ng Unyon ng mga Mambabasa ng Qur’an sa Ehipto, at noong 1988, siya ay naging pangulo ng unyon.

Naglakbay si Shuaisha sa maraming mga bansa para sa pagbigkas ng Qur’an at pinarangalan para sa kanyang makikinang na pagbigkas sa Lebanon, Syria, Iraq, Turkey, at Jordan, bukod sa iba pa.

Siya ang unang Ehiptiyano na Qari na bumigkas ng Qur’an sa Moske ng al-Aqsa sa banal na lungsod ng Quds (Jerusalem).

Ilang beses ding bumiyahe si Shuaisha sa Iran at nagsilbi bilang isang kasapi ng lupon ng mga hukom sa ilang pandaigdigan ng kumpetisyon sa Qur’an sa bansa.

Namatay ang kilalang Qari noong Hunyo 23, 2011, sa edad na 89 matapos makipaglaban sa sakit sa loob ng tatlong mga buwan.

Itinatampok sa sumusunod na video ang pagbigkas ni Shuaisha ng mga talata mula sa Surah al-Infitar na naitala sa Moske ng Imam Hussein (AS) sa Cairo noong 1974.

 

 

3481796        

captcha