IQNA

Khums sa Islam/1 Pilosopiya ng Khums at Zakat sa Islam

13:08 - October 10, 2023
News ID: 3006128
TEHRAN (IQNA) – Lahat ng mga lipunan ng tao ay humanap ng mga paraan upang matulungan ang mga nangangailangan dahil kung hindi mapupunan ang puwang na ito, magkakaroon ng hindi kanais-nais na mga kahihinatnan sa lipunan.

Ang ipinakilala ng Islam upang malutas ang problemang ito ay ang pagbabayad ng Khums at Zakat.

Itinuring ng Islam na Haram ang kinikita sa pamamagitan ng hindi lehitimong mga paraan at mga kasangkapan katulad ng pagpatubo, paglustay, pagnanakaw, panunuhol, atbp, at inuutusan ang pamahalaang Islamikoi na ibalik ang naturang pera sa may-ari nito.

Gayunpaman, dahil sa pagkakaiba ng mga tao sa mga tuntunin ng mga talento at mga kakayahan, ang ilang mga tao ay kumikita ng higit sa pamamagitan ng lehitimong mga paraan habang ang iba ay maaaring hindi kumita ng sapat upang mabuhay.

Ang lahat ng mga lipunan ng tao ay naghanap ng mga paraan upang malutas ang mga problema ng mga mahihirap at hindi sapat ang kinikita, dahil kung hindi, magkakaroon ng maraming mgan problema sa lipunan.

Upang maiwasan ang mga ito, nag-alok ang mga pamahalaan at mga indibidwal ng iba't ibang mga kalutusan, kabilang ang mga buwis, seguridad sa lipunan at pagtatatag ng mga kawanggawa.

Ang Islam, na alin isang komprehensibong relihiyon, ay nagpakilala rin ng mga plano para sa paglaban sa kahirapan at pagresolba sa mga problema ng mahihirap. Ang isa sa mga planong ito ay Khums (ang kinakailangang obligasyong panrelihiyon ng sinumang mga Muslim na magbayad ng 20% ​​ng kanilang nakuhang yaman mula sa ilang mga pinagkukunan patungo sa tiyak na mga dahilan).

Napakahalaga ng pangangalaga sa mga mahihirap kaya't si Imam Ali (AS), habang nagdarasal sa moske, ay ibinigay ang kanyang singsing sa isang dukha na humihingi ng tulong. Pagkatapos ng Talata 55 ng Surah Al-Ma'idah ay ipinahayag: "Tanging ang Diyos, ang Kanyang Mensahero, at ang mga tunay na mananampalataya na matatag sa pagdarasal at nagbabayad ng limos, habang sila ay nakaluhod habang nagdarasal, ang iyong mga tagapag-alaga."

  • Ang Mabuting Balita ng Diyos sa mga Gumugugol ng Kanilang Ari-arian sa Kawanggawa

Ang Khums ay isang uri ng pag-alalay at pagbabalanse ng kayamanan na kusang ginagawa ng isang tao, batay sa kanyang pananampalataya at may layuning mapalapit sa Diyos.

Ibinibigay niya ang 20% ​​ng kanyang natamo na kayamanan at mga kinita na higit pa sa mga gastusin sa buhay sa isang taon sa pinakamaalam, matuwid at banal na tao (isang mapagkukunan ng pagtulad) upang gastusin ito para sa kanya para sa kung ano ang kapaki-pakinabang sa lipunan.

Ang pagbabalanse ng kayamanan sa pamamagitan ng Khums at Zakat ay Wajib (obligado). Ang Islam ay nagpapakilala rin ng iba pang mga paraan para dito na hindi Wajib, katulad ng Waqf, Sadaqah, Nazr, Infaq, atbp.

Sa ilang mga paaralang pang-ekonomiya katulad ng komunismo, ang pag-alalay at pagbabalanse ng yaman ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtanggi sa pribadong pagmamay-ari at pagpapahintulot sa pamahalaan na monopolyo ang lahat sa pamamagitan ng puwersa. Sa ganitong paraan, walang kalayaan at walang paraan para sa paglago.

                                      

3485487

captcha